Mga bibisita sa Pasig Catholic Cemetery, patuloy ang pagdagsa ngayong bisperas ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagdating ng mga dadalaw sa kanilang mahal sa buhay sa Pasig Catholic Cemetery ngayong hapon.

As of 3:30 PM kanina, umabot na sa mahigit 5,000 ang bumisita sa naturang sementeryo ngayong araw, October 31.

Ito ay batay sa datos ng Bantay Pasig Division na naka-deploy sa Pasig Catholic Cemetery.

Anila, inaasahan na mas marami pang magtutungo simula mamayang gabi hanggang bukas na mismong araw ng Undas.

Sa oras naman ng pagdalaw bukas ito ng hanggang alas-10 mamayang gabi at bukas naman ay bukas na ito ng 24 oras simula alas-6 ng umaga.

Samantala, ay inikutan din natin ‘yung bentahan ng mga bulaklak dito sa Pasig Catholic Cemetery kung saan dumoble na ‘yung presyo ng mga bulaklak dahil ayon sa mga nagbebenta mataas na rin ang kuha nila sa Dangwa.

Sa presyo ng mga bulaklak naglalaro ito sa:

P300-P400 – floral foam
P500 – bulaklak sa maliit na paso
P800 – bulaklak sa malaking paso| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us