Pinayuhan ng isang kongresista ang publiko na maging mapanuri sa ibobotong kandidato ngayong paparating na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, dapat ay maging ‘demanding’ ang mga Pilipino sa mga opisyal ng gobyerno at hindi dapat makunteto sa ‘sakto lang’ na pagseserbisyo.
Punto niya, ang mandato ng gobyerno ay para pagsilbihan ang mga Pilipino at ang pera ng pamahalaan ay pera ng publiko.
Kailangan na aniyang baguhin ang kultura ng pagiging masyadong mabait at matiisin at sa halip ay hingin ang pinakamataas na antas ng paglilingkod.
“The word is demanding. Hindi pwedeng ‘okay na kayo, okay na kami, pasalamat na nga ako na nabigyan pa ako, pasalamat na nga ako nahatian pa ako, okay lang magnakaw basta mabigyan ka.'”, ayon sa party-list solon.
Sa darating na Lunes, October 30 ay idaraos ang BSK Elections. | ulat ni Kathleen Jean Forbes