Pinaalalahanan ng Commission on Elections Iloilo ang mga botante nga huwag gumamait ng cellphone sa loob ng mga voting precinct.
Ayon kay Comelec Election Supervisor Atty. Reinier Layson, ipinagbabawal ng poll body ang pagkuha ng litrato ng mga balota ng mga botante; maging ang pag-text at pagtawag sa loob ng presinto.
Sa pahayag ng abogado, puwede umanong magamit sa vote buying ang pagkuha ng larawan ng balota at isa ring paglabag sa ‘secrecy and sanctity of ballots’.
Pahihintulutan ng COMELEC ang mga ‘poll watchers’ pero para lamang ito sa pag-record ng mga pangyayari sa eleksyon. Sinabi ni Layson na dapat pa ring siguraduhin ng mga poll watchers na hindi nakukunan ng larawan ang mga balota ng mga botante. | ulat ni Hope Torrechante | RP1 Iloilo