Mga coastal area sa Pangasinan, mahigpit na babantayan ngayong Undas kontra pagkalunod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan ang lahat ng coastal municipalities at cities sa lalawigan para bantayan ang mga nasasakupang baybayin na inaasahang dadagsain ngayon ng mga tao kasabay sa paggunita ng Undas.

Target ng PDRRMO ang ‘zero drowning incident’ ngayong Undas kasabay sa long weekend kaya’t ipinag-utos sa kanilang mga counterpart sa munisipiyo ang mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan.

Bukod sa mga baybayin ay pinapatutukan rin ng PDRRMO ang mga sakop na ilog, sapa, irigasyon at iba pa na maaring puntahan o bisitahin ng mga tao na nais maligo dala na rin ng maalinsangang panahon.

Ipinaalala rin sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng mga magbabantay sa ganitong mga lugar para mapaalalahanan at ma-monitor ang mga tao lalo na ang mga bisita o dayo lamang sa isang lugar na madalas ay nagiging biktima ng pagkalunod. | ulat ni Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us