Umabot na sa 27,748 barangay sa buong bansa ang itinuturing ng PDEA na malinis na sa iligal na droga.
Sa ngayon, nasa 7,785 barangay na lang ang apektado ng iligal na droga .
Batay sa datos ng PDEA, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Agosto 31, 2023, aabot sa ₱23.62 bilyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng ahensya.
Kinabibilangan ito ng 3,173.57 kilo ng shabu, 25.78 kilo ng cocaine, 43,940 kilo ng ecstacy at 2,739.93 kilo ng marijuana.
Mula sa kabuuang 44,338 anti-drugs operation na isinagawa ng PDEA, nasa 4,174 ang naarestong high value target at 6,269 ang drug personalities .
Isang shabu laboratory ang nalansag at 683 naman ang drug dens. | ulat ni Rey Ferrer