Mga election paraphernalia para sa Iligan City, ipamamahagi bukas ng madaling araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipamamahagi bukas, simula ala-una (1:00 AM) ng madaling araw ang mga official ballot boxes at election paraphernalia para sa bawat clustered precincts sa Lungsod ng Iligan.

Ito ay para sa gaganaping Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 bukas, Oktubre 30, 2023.

Kaugnay nito, pinilahan ng mga guro o Board of Election Tellers (BETs) mula sa iba’t ibang clustered precinct kanina ang booth ng (COMELEC)-Iligan City at Iligan City Treasurer’s Office (CTO) sa Iligan City Hall kung saan isinagawa ang pagsusuri ng ipapamahaging mga kagamitan para sa BSKE 2023.

Sa panayam ng RP Iligan kay Iligan City Treasurer’s Office Acting City Treasurer Magdalena R. Carpentero, sinabi niya na sinuri muli ng mga BETs ang mga kagamitan para sa halalan bago ipamahagi bukas ng madaling araw dahil may nakatakdang bilang ang mga ito para sa bawat clustered precincts sa lungsod.

Samantala, maaga namang ibinahagi at hinatid ng mga security forces kanina ang mga official ballot boxes at election paraphernalia para sa mga liblib na mga barangay sa lungsod upang matiyak na makakasabay ang mga ito sa nakatakdang oras ng halalan bukas.| ulat ni Sharif Timbar Majid| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us