Mga election paraphernalia para sa malalayong barangay, naibayahe na – COMELEC Surigao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naibiyahe na ang mga election paraphernalia na gagamitin bukas, araw ng halalan sa mga malalayong barangay sa Surigao del Sur. Ito ang iniulat ni Atty. Ernie Palanan, provincial election supervisor dito.

Aniya, maagang naihatid ang mga kagamitan kasama na ang mga miyembro ng election board at tauhan ng Philipine Army lalo na sa mga malalayong barangay upang maihanda ng maaga bukas at makapag-umpisa sa itinakdang oras na alas 7 ng umaga ang botohan.

Dagdag pa ni Atty. Palanan, sa kasalukuyan ay maayos at mapayapa ang buong lalawigan batay na rin sa ulat ng PNP. Maliban sa isang kaso ng bayolasyon ng gun ban sa bayan ng Marihatag kagabi.

Aniya, doon na mismo sa barangay gagawin ang bilangan ng boto at proklamasyon ng mga mananalo.

Mayroong 309 barangays ang buong Surigao del Sur kung saan may kabuuang 6906 na kandidato sa barangay level at 4680 naman sa SK.| ulat ni Nerissa Espinosa| RP1 Tandag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us