Mga gamit pandigma, boluntaryong isinuko ng apat na sibilyan sa Buguey, Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Boluntaryong isinuko ng apat na sibilyan sa mga kasundaluhan ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army ang mga kagamitang-pandigma na ipinagkatiwala sa kanila ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Cagayan.

Isinuko ng dalawang sibilyang mula sa Barangay Villa Cielo, Buguey ang isang Improvised Explosive Device (IED) – Capto Type na ayon sa kanila ay ipinagkatiwala ng isang alyas Marvin ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Sumunod dito ang pagsuko ng isa pang sibilyan ng isang improvised shotgun na may kasamang mga bala at dalawang IEDs.

Nabatid na isa umano itong dating sumusuporta at nagsisilbing runner ng KRCV na pinamumunuan ng isang alyas Bong na nasawi sa isang engkwentro noong Mayo 2023 sa Cagayan.

Sa bahagi naman ng Barangay Alucao, sa bayan ng Sta. Teresita, nagbalik ng cal. 45 na baril ang isa pang sibilyang dati ring supporter ng NPA, na binigyan umano ng baril ng isang alyas Ranny ng KRCV upang magsilbi nitong proteksyon sa mga pwersa ng pamahalaan.

Naniniwala ang apat na panahon na para tuldukan ang maling paniniwalang itinatak sa kanila ng komunistang teroristang CPP-NPA na walang ginawa kundi takutin sila sa kanilang mga sariling lugar at gamitin ang kanilang lakas sa pansariling kapakanan ng mga matataas na lider ng grupo. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us