Mga kandidato, dapat limitahan ang poll watchers, ayon kay DILG Secretary Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagbabala si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. sa mga kandidato na huwag mandaya sa halalan bukas.

Nagpaalala ang kalihim sa mga kandidato upang hindi magka-problema sa sandaling manalo sa halalan.

Aniya, kailangan lamang na magtalaga ng tamang bilang ng poll watcher upang hindi maakusahan ng vote buying.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10946, Section 25 (k)maaaring magkaroon ng presumption of vote buying kapag may higit dalawang (2) watchers kada precinct ang bawat kandidato.

Ayon kay Abalos, naobserbahan ng Comelec ang istilo ng ilang kandidato ay itago ang pagbili ng boto sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming kunwari ay magsisilbing poll watchers. 

Apela ng kalihim sa publiko na maging mapagmatyag at mag-ulat sa Comelec o DILG kung may mapansin silang presinto na umaapaw sa mga poll watchers.

Sa ilalim aniya ng Section 264 ng Omnibus Election Code, ang mga kandidatong mahuhuling may paglabag sa vote buying ay may parusang pagkakulong hanggang anim na taon at perpetual disqualification sa public office. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us