Mga mananalong kandidato sa BSKE 2023, maaari pa ring masibak sa puwesto — Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng Commission on Elections na hindi pwedeng gamiting depensa ng mga lumabag sa election law sa bansa ang kanilang pagkapanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa paliwanag ni Comelec Chair George Erwin Garcia, mismong Korte Suprema na ang nagsabi na ang kagustuhan ng taumbayan ay hindi maaaring manaig sa saligang batas.

Nabanggit ni Garcia ang naturang pahayag matapos matanong kung may habol pa ba ang pamahalaan sa isang kandidato na lumabag sa election law at nasampahan ng kaso pero nanalo sa halalan.

Kaya naman paalala ni Garcia sa mga kandidato ngayon BSKE 2023, sumunod sa batas, dahil seryoso aniya ang Comelec na linisin ang sistema ng eleksyon sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us