Mga motorista, hati ang opinyon kaugnay sa pag-alis ng window hours sa number coding

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hati ang sentimiyento ng ilang mga motorista sa hakbang na alisin ang window hour ng Unified Vehicle Volume Reduction Program o mas kilala bilang Number Coding Scheme.

Ayon sa ilang motoristang nakapanayam ng Radyo Pilipinas sa Mandaluyong City, pabor sila na ibalik ang 7am hanggang 7pm na oras ng number coding.

Anila, makatutulong ito upang mabawasan ang mga sasakyang dumaraan lalo na sa EDSA partikular na iyong mga motorista na hindi naman mahalaga ang lakad.

Anila, epektibo naman ang EDSA Bus Carousel para magbigay ng mabilis na transportasyon dahil may sarili namang lane ang bus na gaya sa tren.

Pero ang iba naman, nagsabi na pahirapan ito para sa mga may sasakyan dahil sa dami ng mga aktibidad na kadalasang dinadaluhan kapag magpa-Pasko.

Sa panig naman ng mga nasa transport group na bagaman may ilang tutol dahil maaapektuhan ang kanilang kita, dahil hindi makalalabas sa araw ng coding. May ilan naman na nakikita itong pagkakataon upang madagdagan ang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us