Nagpahayag ng kumpiyansa ang ilang multinational bank sa economic outlook ng Pilipinas.
Ito ay matapos ibahagi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang matatag na macroeconomic fundamentals ng bansa, at ang ginagawa ngayon ng gobyerno upang mas gawing madali ang pagnenegosyo sa Pilipinas sa sidelines ng World Bank-IMF Annual Meeting.
Sa naturang pagpupulong, muling kinumpirma ng HSBC ang “long-standing partnership” nito sa Pilipinas at ang kanilang interes na tuklasin ang posibleng pamumuhunan sa sustainable infrastructure, energy transition, and nature-based solutions.
Pinuri naman ni Citi Vice Chairperson of Banking Capital Market and Advisor Jay Collins, ang ating pagpupursige sa digitalization sa retail payments at public financial management.
Ayon naman sa Bank of America, nananatiling matibay ang growth prospect ng Pilipinas sa kabila ng external global challenges.
Ayon kay Diokno ang Citi, HSBC, at Bank of America ay nakasuporta sa administrasyong Marcos Jr.
Sa katunayan, sila ang ka-partner ng economic team sa mga isinasagawang Philippine Economic Briefing sa iba’t ibang mga bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes