Mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, higit isang libo na -PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 1,135 indibidwal ang naaresto na ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa kabuuang bilang, 1,088 sa mga naaresto ay mga sibilyan, labing anim(16) naman ang security guard, dalawa (2) ang elected government official , limang (5) pulis at apat ( 4 )ang sundalo.

AAbot naman sa 854 iba’t ibang klase ng baril ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, mayroong 1,655 na mga baril ang idineposito sa PNP para sa safekeeping habang umiiral ang gun ban. Habang 696 ang mga isinuko.

Nagsimula ang election gun ban noong Agosto 28 na tatagal hanggang Nobyembre 29, ngayong taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us