Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 221 individuals ang nabibiktima ng Alpha Assistenza, na nanghingi umano ng pera kapalit ang ipinangakung trabaho sa Italy.
Ayon sa DFA, sa nasabing bilang 60 dito na mga Filipino ang patuloy na tinutulungan ng konsulado para magsampa ng reklamo laban sa Alpha Assistenza.
Sila ay nakapagbayad umano ng hanggang €3,000.00 para sa mga trabaho sa Italya.
Kinapanayam din ng Konsulado ang isang pangunahing saksi na ang pangalan ay kabilang sa mga gumamit ng filing work permit applications.
Tinitingnan na din ng Konsulado ang iba pang mga kaso ng pandaraya na ginagawa ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino tulad ng plane ticket, work permit conversions, at citizenship applications. | ulat ni AJ Ignacio