Pumalo sa ₱427 bilyon ang foreign investment pledges ang naitala ng pamahalaan kaugnay ng mga naging biyahe sa labas ng bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa Malacañang briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo na mas mataas ito ng 4.150%.
Karamihan ani Rodolfo sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo mula sa foreign trips nito ay may kinalaman sa renewable energy at karamihan ay galing ng Europa.
Metikuloso aniya ang Punong Ehekutibo sa resulta o bunga ng ginagawa nilang panghihikayat sa mga dayuhang negosyante sa tuwing lumalabas ng bansa at regular na humihingi ito ng update.
Hindi naman aniya bigo ang Presidente sa naging kinahinatnan ng panliligaw nito sa mga dayuhang mamumuhunan gayung nagresulta naman ito ng “actual investment registrations and approvals”. | ulat ni Alvin Baltazar