Mga namatay sa leptospirosis sa Quezon City, pumalo na sa 32 -LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon.

Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umabot na sa tatlumpu’t dalawa (32) ang mga nasawi sa lungsod.

Pinakamarami ay mula sa District 6 at District 2 na may tig-walo ang bilang ng nasawi at District 4 at 5 na may tig-lima, District 3 na may apat at District 1 na may dalawa.

Mula Enero 1 hanggang Setyembre 30, 2023, nakapagtala na ang CESU ng 263 kaso na mas mataas ng 135 o 105.47% sa kaso noong 2022.

Nakapagtala ang District 2 ng pinakamataas na kaso na may bilang na 66. Habang ang District 5 ang may pinakamababang kaso na may 27 na bilang. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us