Mga Pilipinong ililikas mula sa Israel at Palestine, handang tulungan ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handang umagapay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga manggagawang Pilipino na maililikas mula sa bansang Israel at Palestine.

Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Operations Group nitong makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa detalye ng mga Pinoy na nais nang ma-repatriate mula sa Israel.

Kasama sa pinahahanda ng kalihim ang AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) at SLP (Sustainable Livelihood Program).

Batay naman sa inisyal na impormasyon mula sa DMW, may walong Pinoy na ang pumayag sa voluntarily repatriation at naka-iskedyul nang dumating sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Sa ngayon, inihahanda na aniya ng DSWD Operations Group ang intervention sa mga papauwing Pinoy.

Kasama sa posibleng matanggap ng mga ito ang hanggang P10,000 Assistance to Individuals in Crisis Situation, at hanggang P15,000 assistance sa ilalim ng SLP.

Una na ring naghatid ng tulong ang DSWD sa kaanak ng dalawang Pinoy worker na nadamay at nasawi sa kaguluhan sa Israel. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us