Mga Pinoy, ligtas at walang nadamay sa tumamang rocket sa ospital sa Gaza – DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala umanong Pilipinong nadamay matapos ang pumalpak na rocket launch na tumama sa Al-ahli Baptist Hospital sa Gaza.

Sa naturang insidente, 500 katao ang namatay at masuwerteng walang Pinoy na nadamay.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, na wala kasing mga Pilipino ang nasa Al-ahli Baptist Hospital nang tamaan ito ng rocket.

Sa isang statement, labis na ikinalungkot ng bansa ang pag-atake sa nasabing ospital at nagpaabot ng pakikiramay sa mga namatay na inosenteng sibilyan.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang alert level 4 sa buong Gaza. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us