Mga Pinoy na nais magpalikas sa Gaza, posibleng madagdagan pa — DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy na nais magpalikas sa Gaza dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Hamas at Israel.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita  Daza, nasa 25 Pilipino sa Gaza ang nagpasaklolo na sa DFA para mailikas.

Dagdag pa ni Daza na posible pang mabago ang bilang ng mga gustong magpalikas dahil hindi pa desedido ang ibang Pinoy.

Samantala, mayroon namang contingency measures ang Philippine diplomats sa Tel Aviv para sa mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan para maging ligtas ang mga ito at mailayo sa kaguluhan doon.

Samantala, nangako naman si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na bibigyang prayoridad ang mga Pilipinong naipit sa kaguluhan na ilikas at dalhin sa ligtas na lugar.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us