Nananatiling mababa ang presyo ng bigas sa Magay Public Market sa lungsod ng Zamboanga kasunod ng pag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng pagtanggal ng rice price cap sa buong bansa.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Zamboanga sa isa mga rice retailers sa Magay Public Market na nagpakilalang si Alhashir, bumaba na aniya ang presyo ng mga bigas partikular na ang premium rice.
Nananatili ring P45 hanggang P48 ang kada kilo ng well-milled rice sa nasabing merkado.
Isa si Alhashir sa 55 mga rice retailer at sari-sari store owner na nakatanggap na ng tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). | via Shirly Espino | RP1 Zamboanga