Tinake-over na ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 6 ang pagbabantay sa Old Balara Elementary School sa Quezon City.
Kasunod ito ng nangyaring tensyon bandang hapon ng isara ang gate ng polling centers dahil tapos na ang botohan.
Binabalya ng mga supporters ng isang kandidato ang gate sa kagustuhan na makapasok para makaboto.
Ito’y banggaan ng dating Barangay Chairman na si Beda Torrecampo at incumbent Chairman na si Allan Franza na parehong kumakandidato sa pagka-Barangay Chairman.
Natigil lamang ang tensyon ng pumasok na sa eksena ang pulisya.
Sa kabila ng namagitang tensyon ay nagpapatuloy pa rin ang bilangan ng boto sa mga polling centers ng paaralan.
Nasa 27 libo ang registered voters sa paaralan na may 174 polling precints.| ulat ni Rey Ferrer