Mga puna tungkol sa pagkukumpuni sa mga maayos namang kalsada, sinagot ng DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuna ng mga senador ang ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan sinisira ang mga hindi naman sirang mga kalsada.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2024 budget ng DPWH, pinunto ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maraming nakakapansin at nagtatanong kung bakit inaayos agad ang isang kalsada na kakagawa pa lang ng DPWH.

Paliwanag naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, ito ay para sa preventive maintenance at reconstruction.

Giit ni Bonoan, hindi porket maganda pang tingnan ang isang kalsada ay maayos pa ito.

Isa aniya sa nakakaapekto sa kalidad ng mga kalsada sa bansa ang pinapayagang load limit base sa anti overloading law.

Base kasi aniya sa ating batas ay 13.5 tons ang pinapayagan na isa sa mga pinakamataas sa buong mundo.

Inihalimbawa ng kalihim sa Japan at ibang mga bansa sa Europa na aabot lang sa 10.5 tons ang pinapayagan habang 10 tons sa Estados Unidos.

Sinabihan naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang kalihim na maaari namang amyendahan ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas para mapababa ang load limit at gawin itong mas realistic.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us