Mga senador, ipinanawagan ang agad na repatriation at ayuda para sa mga Pilipinong nasa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang mga senador sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang magiging kaligtasan ng mga kababayan nating nasa Israel sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng Palestinian militant group na Hamas.

Sa isang pahayag, kinondena ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan at ipinanawagan ang agarang pagpapalaya ng mga hostages.

Iginiit ng Senate president na hindi makakamit sa ganitong klase ng karahasan ang kalayaan o hustisya.

Kapwa hinimok nina Zubiri at Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang mga ahensya ng gobyerno na tiyaking ligtas ang mga OFW doon at bigyan sila ang mga nararapat na tulong.

Ipinanawagan din ni Zubiri ang agad na paggamit ng Assistance to Nationals Fund para sa layuning ito.

Ipinahayag naman ni Senador Grace Poe na dapat agad na ma-repatriate ang mga Pinoy habang bukas pa ang mga border.

Habang pinaalalahanan naman ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo ang mga Pinoy sa Israel na manatiling alerto at tumutok sa mahahalagang balita.

Binigyang-diin rin ni Tulfo na mahalagang sumunod sila sa mga abiso at paalala ng mga awtoridad mula sa gobyerno ng Israel.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

📸: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us