Mga senador, nanawagan sa int’l community na kondenahin rin ang ginawang pagbangga ng China sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng mga senador na dapat ding kondenahin ng international community ang ginawang pagbangga ng China sa sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa isang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Senador JV Ejercito, isa itong malinaw na “act of bullying at harassment” sa loob mismo ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Dapat aniyang igiit ng Pilipinas ang 2016 Arbitral Ruling na klarong nagsasabing may ekslusibong karapatan ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kasabay nito, sinabi rin ni Ejercito na panahon nang bilisan ang modernization ng ating Sandatahang Lakas.

Nanawagan rin si Senador Risa Hontiveros sa international community na makiisa sa pagkondena ng aksyon ng China.

Binigyang-diin ni Hontiveros na walang karapatan ang Tsina na itaboy, saktan, at banggain ang ating mga tropa sa ating karagatan.

Samantala, para kay Senador Grace Poe, ang insidente ay hudyat na kailangan nang seryosong pag-isipan ng Pilipinas ang ating istratehiya sa pagtugon sa ganitong mga aksyon ng China.

Aniya, ang ginawa ng China ay maaaring makapagpataas ng tensyon, hindi lang sa pagitan ng ating bansa, kundi maaaring sa buong rehiyon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us