Mga senador ng Pilipinas, bumisita sa Senado ng bansang Espanya; pagpapabuti ng free trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Spain, tinalakay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang official parliamentary visit ng mga senador sa Senado ng bansang Espanya nitong Lunes.

Personal na tinanggap ni Spanish Senate President Pedro Rollán ang mga senador ng Pilipinas.

Ayon kay Zubiri, layunin ng pagbisita nila sa Spain ang mapalakas ang interparliamentary relations at mapalawak ang kalakaran sa pagitan ng Pilipinas at Espansya.

Napapanahon aniya ito lalo na’t gugunitain ng Pilipinas at Spain ang 75 taon ng diplomatic relations.

Binigyang diin ng Senate President na ang pundasyon ng pagkakaibigan ng ating bansa ay nakaangkla sa shared history, culture at catholic faith.

Nagpasalamat rin si Zubiri para sa pagpapalawig ng Generalized Scheme of Preferences sa ilalim ng European Union (EU) kasabay ang paghingi ng tulong sa Spain na makapagdevelop ng isang free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at ng EU.

Ang Spain ang may kasalukuyang may hawak ng Eu presidency.

Ipinahayag naman ni Rollán na laging bukas ang pintuan ng Spain para sa Pilipinas at binigyang diin ang pangangailangan sa gobyerno ng dalawang bansa na magtulungan para makbangon mula sa dagok ng pandemya.

Kabilang sa delegasyon ng Senado sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador Sonny Angara, Senadora Pia Cayetano, Senadora Nancy Binay, Senadora Grace Poe, Senador JV Ejercito at Mark Villar. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us