Mga Senior Citizen mula sa EMBO Barangays, pinatuloy sa Center for Elderly ng Taguig LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang kanilang Center for Elderly para sa mga Senior Citizen mula sa mga Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangay.

Aabot sa 100 Senior Citizen buhat sa Barangay Pembo ang tumanggap ng libreng serbisyo na alok ng naturang tanggapan gaya ng sauna, masahe, foot spa, movie screening at merienda.

Bilang bahagi ng Transformative, Lively and Caring Agenda ng Lokal na Pamahalaan, layon ng Center for Elderly ng Taguig na ipakita sa mga residente ng EMBO barangay ang mga dekalidad na pasilidad para sa mga nakatatanda.

Mayroon kasi itong therapy pool, clinic, sauna at massage room, cinema/mini theater, multi-purpose hall/recreational area, at rooftop garden.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us