Kasunod ng dumaraming insidente ng cybercrime, mas pinaigting pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hakbang nito para hindi mabiktima ng mga hacker.
Sumailalim sa tatlong araw na cybersecurity workshop ang Information and Communications Technology (ICT) team ng ahensya sa direktiba na rin ni DSWD Sec Rec Gatchalian.
Ayon kay DSWD Asec. Julius Gorospe na namumuno sa Office of the Chief Information Officer (OCIO) at Information and Communications Technology Management Service (ICTMS), kasama sa prayoridad ng ahensya ang matiyak na ligtas at hindi makokompromiso ang data at digital infrastructure ng ahensya.
Kaugnay nito, tiniyak ng DSWD na walang dapat ipag-alala ang publiko sa kanilang mga datos sa ahensya dahil tuloy-tuloy ang pagpapatupad nito ng cybersecuirty initiatvies.
“By ensuring the security and integrity of its digital infrastructure, DSWD reaffirms its dedication to the welfare and safety of the Filipino people.” Asst. Sec. Gorospe. | ulat ni Merry Ann Bastasa