Mga wagi sa kauna-unahang QC Green Awards, iaanunsyo na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ianunsyo na ngayong Biyernes, October 6 ng Quezon City government ang mga nagwagi sa kauna-unahang Green Awards sa bansa o ang “Quezon City Green Awards: Search for Outstanding Disaster Risk Reduction and Climate Action Programs.”

Layon nitong kilalanin at bigyang-parangal ang mga barangay, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at mga negosyong nagsusulong ng mga programa tungo sa Disaster Risk Reduction and Climate Action.

Isasagawa ang awarding ceremony para sa naturang parangal mamayang hapon sa Novotel Manila.

Ayon sa LGU, nakatanggap ito ng 80 entries para sa Green at Resilient Award.

“These community green programs and projects only prove that the city and the community can work together towards a common goal: to create a sustainable, green, and liveable future for all,” ani Mayor Joy Belmonte.

Kabilang sa parangal ang Green Award na ilalaan para sa mga institusyong may malaking ambag sa pagtugon sa climate change at pagtutulak ng sustainable practices habang ang Resiliency Award ay para sa mga inisyatibong nagbibida ng kahandaan sa oras ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us