Nakapagtala ang Manila Intternational Airport Authority (MIAA) ng pagtaas ng bilang ng mga airline passengers sa unang siyam na buwan ng taong 2023.
Batay sa datos na nakalap ng MIAA, nasa 33,757,646 na ang kabuuang bilang ng mga pasahero mula Enero hanggang Setyembre ngayon taon.
Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 30,943,105 sa kaparehong period.
Kaunay nito tumaas din ang bilang ng mga international at domestic flights na pumalo na sa 206,050 ngayong taon.
Samantala, patuloy naman ang pagsisiguro ng pamunuan ng MIAA sa publiko sa ginagawang inobasyon sa mga paliparan sa Metro Manila. Ito’y upang tiyakin ang seguridad at episyenteng pagbiyahe sa kani-kanilang destinasyon. | ulat ni AJ Ignacio