MIAA, patuloy na nakapatatala ng dagsa ng mga pasahero ngayong papalapit ang BSKE at araw ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakakapagtala ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng pagtaas ng dumadating na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong nalalapit na araw ng Barangay at SK Elections at araw ng Undas.

Sa huling tala ng MIAA, umaabot na sa higit 120,000 ang bilang ng mga pasaherong dumadagsa sa paliparan sa loob lamang ng isang araw.

Nasa 64,600 na bilang na ito ay mga domestic flights habang nasa higit 55,600 naman para sa international flights.

May pagtaas ito ayon sa MIAA ng 37.8% kumpara noong nakaraang taon kung saan nasa higit 87,000 lamang ang bilang na naitala sa kaparehas na panahon.

Inaasahan ng MIAA na madaragdagan pa ang bilang na ito kung saan inaasahan na aabot sa 1.2 million ang bilang ng mga pasahero sa loob ng 10-day period simula noong Oktubre 27. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us