MIAA, target maabot ang on-time performance sa lahat ng flights sa bansa sa Undas at BSKE 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target maabot ng Manila International Airport Authority ang on-time performance sa lahat ng flights sa bansa ngayong paparating na Undas at 2023 BSKE ngayong Oktubre.

Ayon kay MIAA General Manager Bryan Co, nakikipag-ugnayan na sila sa mga airline company para sa contigency plan ng mga ito sakaling bumuhos ang bilang ng mga pasahero sa apat na pangunahing paliparan sa Metro Manila.

Humingi naman ng karagdagang mga tao ang MIAA sa bawat airline companies upang umalalay sa mga pasahero at ma-accommodate ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Samantala, hangad naman ng MIAA na walang ma-delay na flights ngayong darating na Undas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us