Muling tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang anumang naitalang banta sa seguridad ng mga paliparan ngayong darating na Undas.
Ayon kay MIAA Assistant General Manager for Emergency and Security Brigadier General Manuel Gonzales na nakipag-ugnayan na sila sa law enforcement agencies maging sa Office for Transportation Security.
Samantala, ayon sa MIAA inaasahang nasa 1.2 million na airline passengers ang tutungo sa mga palipran o nasa 120,000 passengers per day mula ngayong araw hanggang November 6 kung saan magsisi-uwian ngayong Undas at 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). | ulat ni AJ Ignacio