Nasa $120 milyong halaga ng kasunduan ang nalagdaan sa pagitan ng businessmen ng Pilipinas at Saudi Arabia sa naganap na round table discussion o ang unang aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pagkalapag ng Riyadh, para sa ASEAN-GCC Summit.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na higit 15,000 Pilipino ang magbe-benepisyo sa training at employment opportunities na mabubuksan ng mga kasunduang ito.
“To our current and future business partners, I hope that this meeting has served as an excellent platform for building greater and closer partnerships between the Philippines and the Kingdom of Saudi Arabia.” — Pangulong Marcos Jr.
Kaugnay nito, siniguro ni Pangulong Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas sa patuloy na suporta at pagiging bukas sa mga kasalukuyan nang Saudi investors at sa iba pang nais mamuhunan sa Pilipinas.
“I urge you to further engage with my Economic Team to learn more about such benefits. We also stand ready to welcome you to our tropical country so you may personally see what a globally competitive Philippines can offer.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO