Mindanao solon, pinayuhan ang mga grupo na pinagbabangga ang presidente at bise presidente na unahing magsilbi sa bayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa lahat ng sektor lalo na ang mga opisyal ng gobyerno na suportahan ang Marcos Jr. administration sa hakbang nito na paunlarin pa ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Pimentel, dapat samantalahin ang pambihirang pagkakataon na magkaisa para sa ikatatagumpay ng mga priority program ng pamahalaan.

“Our President should be given all the support he needs especially at this time as he continues to work hard in protecting the purchasing power of Filipino families, creating more jobs and providing aid to the poorest of the poor,” ani Pimentel.

Tinukoy pa ng mambabatas na dahil kapwa nanggaling sa isang koalisyon ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo ay mas lalong madali at iisa ang kumpas para sa economic renewal ng bansa.

Kaya aniya imbes na siraan ang administrasyon at pag-awayin ang dalawang top official ng pamahalaan ay unahin ang pagsisilbi sa bayan.

“All sectors should take advantage of this rare opportunity instead of trying to drive a wedge between President Bongbong Marcos and VP Sara Duterte who have succeeded in working together in bringing back the nation on the path of robust economic growth. Ang bansa muna ang unahin natin, bago ang ating mga politikal na interes. Malayo pa po ang eleksyon. Yung kapakanan muna ng mga kababayan natin ang atupagin natin,” sabi pa ni Pimentel.

Payo pa ng Mindanao solon na sundan ang pamamahala at work ethic ni Speaker Martin Romualdez na sinasabayan ng resulta at aksyon ang mga salita.

“Another thing that they can learn from the Speaker: He backs his words with tough action. When he warned smugglers and hoarders that the law would catch up on them, he did not just sit down and did nothing after these pronouncements. He joined customs officials in inspecting rice warehouses,” dagdag ng Surigao solon.

Hindi rin aniya pumatol ang House leader sa mga naninira sa kaniya at pinairal ang propesyonalismo.

“When his detractors spoke ill of him, he did not stoop down to their level. He showed strength of character and a high degree of professionalism by ignoring their unfounded allegations and focusing instead on making the House a highly respected and productive institution on his watch. Mga ganitong lider po ang tularan natin para sama-sama tayong umangat, kaysa maghilahan tayong pababa,” pagtatapos ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us