Minister of Foreign Affairs ng the Netherlands, nakipagpulong kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Pilipinas at The Netherlands ang ugnayang bilateral ng dalawang bansa.

Ito’y kasunod ng naging pagbisita ng Minister of Foreign Affairs ng nasabing bansa na si Hanke Bruins Slot kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ngayong araw bilang bahagi ng kaniyang official visit.

Dito, tinalakay ng dalawang opisyal ang bilateral relations ng Pilipinas at the Netherlands gayundin ang palitan ng mga pananaw hinggil sa mga regional na usapin na may kinalaman sa ‘mutual concern’.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Minister Slot sa Pilipinas sa nakalipas na tatlong dekada.

Isinagawa rin ang pagbisita kasabay ng ika-72 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa ngayong taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us