MMDA Communications and Command Center, gagamitin para sa Regional Joint Security Command Center sa araw ng eleksyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisilbing command center ang MMDA Communications and Command Center para sa Regional Joint Security Command Center (RJSCC), sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.

Ito ay bilang tugon sa hiling ng Commission on Elections (COMELEC).

Batay sa liham na ipinadala ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes kay Comelec Chairperson Atty. George Erwin Garcia, sinabi nitong bukod sa paggamit ng pasilidad, handa rin ang ahensiya na umasiste para matiyak ang seguridad sa halalan.

Ayon kay Artes, ang inisyatiba ng Comelec na makipagtulungan sa MMDA ay bahagi ng commitment ng ahensiya na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Metro Manila.

Sa nasabing Regional Joint Security Command Center, mahigpit na imo-monitor ang mga kalsada sa Metro Manila sa araw ng eleksyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us