MMDA Finance Service Director, itinalagang bagong Assistant GM for Finance and Administration ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Finance Service Director Maria Carolina Salgado bilang bagong Assistant General Manager for Finance and Administration ng ahensya.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, suportado niya ang pagkakatalaga kay Salgado na matagal na niyang nakasama sa ahensya simula pa noong 2017.

Ani Artes, magaling at masipag si Salgado at malaki ang naiambag nito sa pagkamit ng COA unqualified opinion ng MMDA sa nakalipas na apat na taon.

Sa panig naman ni Salgado, nagpasalamat ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa oportinidad na makapagsilbi sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Nagpasalamat din ito sa tiwala ng Pangulo, at tiniyak na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya upang magserbisyo sa MMDA at sa publiko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us