MMDA, magde-deploy ng mahigit 200 tauhan sa gaganaping Grand Heroes Welcome para sa 19th Asian Games Medalists

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa gaganaping Grand Heroes Welcome para sa 19th Asian Games Medalists.

Ayon sa MMDA, magde-deploy ito ng mahigit 200 mga tauhan para sa naturang aktibidad na isasagawa sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila bukas.

Ito ay para tumulong sa pagmamando ng trapiko at umalalay sa pagtugon sa emergency sa mga ruta na daraanan ng aktibidad.

Inaasahan naman ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kung saan bibigyang pagkilala ng Philippine Sports Commission ang mga atleta na nakasungkit ng apat na gold medals, dalawang silver medals, at 12 bronze medals sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Wala namang ipatutupad na road closure sa naturang pagdiriwang. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us