MMDA, nag-inspeksyon sa mga bus terminal sa EDSA-Cubao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus terminal sa EDSA Cubao ngayong araw.

Ito ay pinangunahan nina MMDA Traffic Discipline Director Atty. Vic Nunez at MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas.

Kabilang sa mga ininspeksyon ang Five Star Bus Terminal at Baliwag Transit Bus Terminal.

Ayon kay Nunez, maayos naman ang paghahanda ng mga bus terminal at kinumusta rin nito ang ilang mga pasahero kung sila ba ay komportable at kuntento sa mga serbisyo ng naturang bus terminal.

Dagdag pa ng opisyal, inaasahan nila ang mas malaking bilang ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil na rin sa eleksyon at undas.

Inaasahan din ang pagdagsa ng mga pasehero sa mga bus terminal simula bukas at sa Sabado.

Sinimulan na ring payagan na dumaan sa EDSA ang mga provincial bus simula 10PM hanggang 5AM. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us