Modern jeepneys sa Gumaca, Quezon, papasada na sa Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Papasada na sa susunod na buwan ang modern jeepneys sa Gumaca, Quezon, ayon kay Gumaca Transport Services Cooperative General Manager Noel Capisonda.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Lucena sa opisyal, sinabi niyang tuloy na tuloy na ang muling pag-arangkada ng mga modernong jeep na babiyahe mula Gumaca hanggang Catanuan at vice versa.

Noong 2021 ay inilunsad na ang modern jeepneys sa Gumaca ngunit naantala ang operasyon dahil sa naging aberya sa pagproseso ng loan sa pagbili ng units nito.

Nilinaw ni Ginoong Capisonda na mali ang mga kumakalat na balitang binatak ang units noong 2021.

Ipinagmalaki ng opisyal na sa ikatlo at ika-apat na distrito sa Quezon, kaunahan ang Gumaca na umakap sa konsepto ng modernisasyon.

Nakapako sa 15 pesos ang pamasahe sa modern jeepneys sa unang apat na kilometro at karagdagang 2.20 sa kada susunod na kilometro. | ulat ni Carmi Isles | RP1 Lucena

File Photo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us