Modernisasyon ng sektor ng agrikultura, sinuportahan ng Mindanao solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kaniyang suporta sa paggamit ng modernong makinarya para mapalakas ang sektor ng agrikultura.

Sa isang panayam, sinabi ni Barbers na dapat paigtingin ang pagkakaloob ng mga agricultural machinery o agricultural tech sa mga magsasaka para mapaganda pa ang kanilang produksyon.

“It helps farmers to grow more crops in less time and with greater efficiency. It can include anything from tractors and harvesters to animal feed mixers or field-wide weed removers,” aniya.

Aniya, malaki ang tulong ng agricultural modernization sa pagkamit ng food sufficiency at security ng bansa.

Punto ng kinatawan, marami sa mga magsasaka ang nakakapag-ani lamang ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya at ang mekanisasyon ang siyang magbibigay-daan sa commercial farmers upang makapag-produce ng mas maraming food profit.

“Ang layunin ng Pangulong BBM na food sufficiency sa darating na mga taon ay layunin ko rin, kaya 100 percent akong suportado sa mga programang pang-agrikultura ng ating Chief Executive,” sabi ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us