Modernisasyon sa crime investigation procedure, itinutulak ng mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na i-phase out ang makaluma nang pamamaraan ng crime investigation.

Aniya, dapat ay bigyang daan na ng mga otoridad ang makabagong teknolohiya at science-driven technique sa pagkalap ng ebidensya sa mga krimen.

Isa sa inihalimbawa ni Yamsuan ay ang paraffin test para sa gunpowder residue.

Mismong ang Korte Suprema na aniya ang nagsabi na inconsistent I hindi mapagkakatiwalaan ang paraffin test sa pagtukoy kung sino ang nagpaputok ng baril o hindi

Maliban sa modernisasyon ng crime investigation layon ng Hosue Bill 7975 ng mambabatas na tiyakin ang integridad ng mga ebidensyang nakakalap sa crime scene.

Ayon kay Yamsuan, batay sa pahayag ng Department of Justice, 90 hanggnag 95 percent ng mga kasong inihahain ng law enforcement agencies sa prosekusyon ang nadi-dismiss dahil sa kawalan ng dokumento o technicalities.

Habang 80 hanggang 90 percent ng kaso na isinasampa ng prosekusyon ay nababasura dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya o dahil rin sa teknikalidad.

Bubuo rin ng isang Crime Investigation Modernization Committee (CIMC) na pamumunuan ng DILG secretary kasama ang PNP Chief, NBI Chief at dalawang forensic expert na itatalaga ng pangulo.

Ito ang komite na mangunguna sa pag-aaral ng modern criminal investigation method at kung paano ito magagamit sa bansa.

Ito rin ang aatasang bubuo sa crime investigation manual for law enforcement officers.

Kasama rin sa mandato ng CIMC ang pagpapadala ng scholars para sanayin sa forensic science at kahalintulad na field.

Kapalit nito ay magsisilbi naman sila ng 3 taon sa pamahalaan.

Maliban pa ito sa posibleng pagpasok ng forensic science bilang kurso sa mga state universities at colleges. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us