Nagpasalamat si Speaker Martin Romualdez sa publiko matapos makakuha ng mataas na Satisfaction at Trust Rating sa isinagawang survey ng OCTA Research kamakailan.
Aniya, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa tulong at dedikasyon sa pagtatrabaho ng lahat ng miyembro ng Kamara.
“These ratings are not just numbers. They mirror the dedication and teamwork of the hardworking members of the House. Every decision made, every bill passed, is a result of our united efforts to serve the Filipino people,” sabi ni Romualdez.
Kinilala din ng House Speaker ang kahalagahan ng mga survey.
Hindi lamang kasi aniya ito basta mga numero, bagkus ay magsisilbing gabay para malaman kung ano ang mga prayoridad na kailangan isulong sa Kongreso para mabigyan ng solusyon ang mga problema at hinaing ng mamamayan.
“Surveys like OCTA’s are more than just statistics. They are indicative of the people’s sentiments on pressing issues, providing us with insights that are crucial in shaping our legislative priorities,” dagdag ng House Speaker.
Kasabay nito ay kinilala din ni Romualdez ang papel na ginagampanan ng lahat ng serbisyo publiko sa pagpapaunlad ng bayan. “Every position in government plays a crucial role in our nation’s progress. Let’s jointly strive for the welfare of the Filipino community.”
Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula September 30 hanggang October 4, nakakuha si Speaker Romualdez ng 60% Trust Rating at 61% Satisfaction Rating o katumbas ng 22% at 17% na pagtaas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes