Pinayuhan ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) na kilatising maigi ang mga ihahalal na kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Ayon kay NAMFREL Spokesperson Eric Alvia, mainam na balikan ng publiko kung paano kumilos ang mga opisyal ng barangay na kumakandidato ngayon sa pagtugon nila noon sa pandemiya.
Aniya, ang mga opisyal ng Barangay at SK kasi ang mga tinatawag na frontliner ng pamahaalan para tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Kasunod nito, pinaalalahanan din ng NAMFREL ang mga kumakandidato na itaguyod ang kredibilidad, integridad at dignidad gaya ng pagsunod sa mga alituntunin at batas ng halalan.
Sa ganitong paraan ayon sa NAMFREL ay matitiyak ng publiko, na ang kanilang iluluklok sa puwesto ay mga mapagkakatiwalaan at karapat-dapat na maglingkod sa kanilang pamayanan. | ulat ni Jaymark Dagala