Pinagkakasa ng Investigation in aid of Legislation nina 4Ps Party-list Representative JC Abalos at Minority Leader Marcelino Libanan ang Kamara para siyasatin ang magkakasunod na cyberattack sa websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kasama na ang Kamara
Sa kanilang House Resolution 1392, partikular na pinakikilos ang House Committee on Information and Communications Technology upang alamin ang lawak ng banta o vulnerability sa data privacy at cybersecurity ng government agencies.
Sa nakalipas na buwan magkakasunod na nagkaroon ng data breach at hacking ang website at system ng PhilHealth, Philippine Statistics Authority (PSA), at House of Representatives.
Paalala ni Abalos na salig sa konstitusyon at Data Privacy Act ay may right ro privacy ang isang indibidwal.
Ngunit dahil sa naturang cyberattacks ay posibleng nakompromiso ang mga impormasyon nito.
Layon din ng imbestigasyon na makapaglatag ng solusyon at hakbang upang maiwasan na ang cybersecurity attacks.
“These incidents highlight the threat to the security and integrity of the digital platforms of our agencies, emphasizing the necessity of implementing additional measures to prevent such occurrences,” ani Abalos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes