Sinang-ayunan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mungkahing palakasin ang Defense Industry Cooperation ng Pilipinas at the Netherlands.
Ito’y matapos na ipanukala ang naturang hakbang ni Ambassador of the Netherlands to the Philippines Marielle Geraedts sa kanyang courtesy call sa kalihim nitong Martes.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, iminungkahi naman ni Teodoro na palawakin pa ang kooperasyong pandepensa ng dalawanang bansa partikular sa larangan ng cyber at artificial intelligence.
Tinukoy ni Teodoro ang magandang potensyal na maging mag-partner ang dalawang bansa sa mga naturang larangan.
Ibinahagi din ni Teodoro sa embahador ang pagbabago ng Philippine defense strategy mula sa internal security tungo sa external defense at ang pangangailang makapagtatag ng “credible defense posture” ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND