Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para maayos ang investment ecosystem sa Pilipinas.
Ito ang mensahe ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa ginanap na 12th Arangkada Philippines Forum.
Ayon kay Balisacan, kabilang sa mga inisyatibong ito ang pagbago sa implementing rules and regulations para sa Public-Private-Partnership, pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer Law, at pagsasapinal ng executive order kaugnay sa pagpapabilis ng proseso ng mga dokumentong kinakailangan para sa infrastructure flagship projects ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Balisacan, 88 sa 197 na infrastructure flagship projects ng bansa ang sumasailalim sa iba’t ibang preparasyon, at maaari aniyang lumahok dito ang pribadong sektor.
Ang naturang mga inisyatibo ay layong gawing investor destination ang Pilipinas partikular na sa sektor ng infrastructure, technology, at energy.
Ang 12th Arangkada Philippines Forum ay pagtitipon-tipon ng mga eksperto at industry leader upang talakayin ang mga paraan para mapaitgting ang inclusive growth at development. | ulat ni Diane Lear
📷: NEDA