Nagpaalala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kung sakaling muling itataas ang kasalukuyang interest rate sa bansa.
Ayon kay Secretary Balisacan, kung itataas ang interest rate, ay magsusunuran din ang pagtaas ng production cost at magdudulot sa pagbaba ng demand.
Sinabi ni Balisacan na kahit hindi siya bahagi ng Monetary Board, pero kung siya ang tatanungin, tatanggi ito sa pagtaas ng interest rate dahil ang Pilipinas na umano ang isa sa mga agresibong nagtaas nito sa rehiyon.
Aniya, walang pangangailangan na muling galawin ang interest rate dahil ang mataas na inflation ay bunga raw ng problema sa supply side.
Maaalalang simula pa noong nakaraang taon ay nagtataas na ang BSP ng interest rate sa bansa. Kung saan ayon kay Balisacan, ay may long-term impact para sa hinaharap. | ulat ni AJ Ignacio