NEDA, DHSUD inayos ang outdated price ceiling para sa socialized housing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development at National Economic and Development Authority na i-adjust ang price ceiling para sa socialized subdivision at condominium projects.

Ayon sa DHSUD, ang kasalukuyang pag-presyo ay hindi na tumutugon sa umiiral na mga kondisyon sa ekonomiya.

Nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang isang Joint Memorandum Circular No. 2023-003 na nagbabago ng kasalukuyang price ceiling na nagkabisa noong 2018.

Ang adjustment ay isinagawa matapos ang masusing review ng DHSUD at NEDA.

Ang hakbang na ito ay tinuturing na malaking tulong sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us