Pinagana na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 24/7 Command Center nito para i-monitor ang mga grid at overall power situation sa bansa sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong araw.
Ayon sa NGCP, operational ngayon ang kanilang mga critical unit kabilang ang System Operations (SO) at Operations and Maintenance (O&M) para magbantay sa power transmission ngayong eleksyon.
Nakadeploy rin ang kanilang mga line crews, engineers, pilots, maintenance and testing, at uba pang technical personnel sa mga substation para rumesponde sakaling magkaroon ng line trippings.
Maging ang mga spare parts gaya ng steel poles, emergency restoration systems, at insulators at mga heavy equipment, cranes, line trucks, at choppers ay nakapreposisyon din sakaling mangailangan ng agarang restoration.
Sinimulan na rin ng NGCP ang regular na pagiisyu ng advisories kaugnay ng lagay ng transmission lines at mga pasilidad nito.
Pagtitiyak nito, walang dapat ipagalala ang mga botante dahil nakahanda ang kanilang security at contingency measures upang masigurong magiging maayos ang power transmission services hanggang matapos ang eleksyon kabilang ang manual canvassing ng boto.
“NGCP’s Integrated Disaster Action Plan (IDAP) prescribes these and other measures to ensure the readiness of all power transmission facilities to be affected by emergencies or important national events. With its security and contingency preparations set, NGCP can ensure reliable power transmission services before, during, and after the local elections, including during the manual canvassing of votes,” pahayag ng NGCP. | ulat ni Merry Ann Bastasa